Pagtakbo ni Digong bilang VP labag sa Konstitusyon – Gordon

Pagtakbo ni Digong bilang VP labag sa Konstitusyon – Gordon

June 2, 2021 @ 7:21 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Iginiit ni Senator Richard Gordon na labag sa Konstitusyon kung tatakbo bilang bise-presidente si Pangulong Duterte sa susunod na eleksyon.

Ito ay matapos hikayatin ng PDP-Laban si Duterte na tumakbo bilang bise-presidente sa 2022.

“It’s very clear that the President shall not be eligible, and this is an operative word, ANY re-election,” punto ni Gordon sa CNN Philippines.

Sa ilalim ito ng Article 7, Section 4 of the 1987 Constitution kung saan: “The President shall not be eligible for any re-election. No person who has succeeded as President and has served as such for more than four years shall be qualified for election to the same office at any time.”

“So the intent of the Constitution, once you’re President, that’s it, that’s the ultimate role you can play. Otherwise, people will be flouting the Constitution,” saad ng senador.

Nagpapaalala rin si Gordon sa publiko na huwag magpadala sa mga opinyon sa pagpili ng ibobotong pangulo. RNT/ELM