Pagtalakay ng Kamara sa rightsizing sa PH gov’t, umarangkada

Pagtalakay ng Kamara sa rightsizing sa PH gov’t, umarangkada

November 16, 2022 @ 1:26 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinimulan na ng House of Committee on Government Reorganization ang pagtalakay sa 16 na panukalang batas na inihain sa House of Representatives para sa pagsasabatas ng National Government Rightsizing Program (NGRP).

Ang NGRP ay inaasahang mabilis na matatalakay sa Kongreso dahil kasama ito sa priority bills ni Pangulong Bongbong Marcos na kanyang nabanggit sa kanyang unang State of the Nation Address.

Sinabi ni House of Committee on Government Reorganization Chairman Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores na kanya nang iniutos na iconsolidate ang 16 na House Bills na patukoy sa rightsizing sa gobyerno.

Pangunahing nakapaloob sa NGRP bill ay ang pagbuo ng Rightsizing Committee na pamumunuan ng Executive Secretary at Department of Budget and Management (DBM) secretary.

Pangangasiwaan ng Rightsizing Committee ang pagbuo ng implementation policies, framework strategies; pagtatag ng rightsized organizational structures at executive orders; pagbuo ng mekanismo para protektahan ang mga manggagawa, paggawa ng implementing rules and regulations at imonitor ang pagpapatupad ng programa.

Sa nasabing pagdinig sinabi ni DBM Undersecretary Willford Wong na noong pang 2016 nila isinusulong ang pag-streamline sa government bureaucracy.

Ipinaliwanag ni Wong na sa ilalim ng isinusulong na NGRP ay walang government employee ang pupuwersahing magretire.

“These incentives are retirement benefits under existing laws, separation incentives, refund of Pag-IBIG contributions, and commutation of unused leave credits. For affected employees who choose to not retire or separate, they may undergo reappointment/ reemployment; apply for new positions in newly created agencies; or undergo retooling/ upskilling,” pagtatapos ni Wong. Gail Mendoza