Pagtalima sa EMSA, tiniyak ni PBBM

Pagtalima sa EMSA, tiniyak ni PBBM

December 12, 2022 @ 11:38 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Susunod ang Pilipinas upang tugunan ang obserbasyon ng European Maritime Safety Agency (EMSA), ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes.

“It’s not something you can debate about. You comply. We’ll have to comply. So that we will be accredited. Hindi— it’s not discretionary,” giit ni Marcos.

Nitong Nobyembre, sinabi ng government officials na sinisilip ng pamahalaan ang pag-isyu ng = executive order upang tumugon sa mga puna ng EMSA, gaya ng kakulangan ng shipboard training sa Filipino seafarers.

“We cannot leave it hanging like this. We cannot leave it hanging like this. And this is our last chance so we have to really— we really have to get it done,” sabi ng Pangulo.

Sinabi ng abogadong si Julius Yano ng Department of Transportation na hindi nabigo ng bansa ang EMSA audit dahil natukoy ang mga puna sa mga nakalipas na audit.

Samantala, nag-isyu na ang Maritime Industry Authority at ang Commission on Higher Education ng revised policies upang tumugon sa EMSA findings at isinumite ang mga ito sa European Commission.

Tumulak si Marcos nitong Linggo ng gabi sa Belgium para sa Commemorative Summit sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations at ng European Union. RNT/SA