Pagtambay ng mga lalaki sa kubeta, paraan para tumakas sa problema

Pagtambay ng mga lalaki sa kubeta, paraan para tumakas sa problema

October 25, 2018 @ 11:41 AM 3 years ago


 

Manila, Philippines – Lahat naman ng tao ay kailangan bumista sa kubeta, minsan sa bahay, sa trabaho o kung hindi na mapigilan kahit sa mga public cr, ayos na.

Kumpara sa mga babae, napapansin niyo bang mas matagal gumamit ng kubeta ang mga lalaki? Kung iniisip mo na mayroon lamang silang ginagawang kababalaghan, nagkakamali ka dahil mas nakaaalarma pa ang sagot sa tanong na iyan.

Ayon sa isang research, natuklasan na gumugugol ng kabuuang pitong oras ang mga lalaki sa loob ng kubeta para lang makatakas sa problema. Tila sariling bersyon ng mga lalaki ng “me time”.

Sa katunayan, nakababahala ang lumalaking bilang ng mga lalaking napipilitang maghanap ng kapayapaan sa loob ng kubeta pagkatapos ng isang stressful na araw.

Sa research, sa pakikipagtulungan sa Bathroom company Pebble Grey, nadiskubre sa isang poll na mahigit kumulang 1,000 lalaki ay nagtatago sa kubeta sa ilang mga rason.

Kabilang sa mga dahilan ay ang pagkairita sa kani-kanilang mga partner, maligalig na mga anak, para tumakas sa mga gawing bahay at para walang maging balakid sa paggamit ng cellphone o gadgets.

Bukod pa rito, nadiskubre rin ng mga researcher na isa sa sampung mga lalaki ay bumibisita sa kubeta dahil sa stress.

Ayon sa spokesperson ng kompanya, “We all need a little bit of time to ourselves – to take stock or switch off completely. And the bathroom appears to be the go-to place for those moments – it’s very much a sanctuary, somewhere we can cut ourselves off from the outside world, albeit just temporarily. As the results suggest, peace and quiet is sacred and clearly, men take the opportunity to get this where they can – often in the bathroom.”

Samantala, natuklasan din na 45% ng mga lalaki ang nagsabing nahihirapan silang magkaroon ng “me time” at 25% ang nagsabing hindi nauunawaan ng kanilang mga partner na sobrang dami nilang ginagawa sa bawat araw.

Nasa 25% din ang nagsabi na kung hindi sila nagkaroon ng “me time” sa loob ng kubeta kahit minsan, hindi na nila alam kung paano pa sila makababangon  at 23% pa ang naglarawan sa kubeta bilang “safe place”.

Kaya naman kung ikaw ay kumakamot ulo kung bakit ang tagal ng mga lalaki sa banyo, hayaan mo na lang sila, isipin mo nalang na napasaya mo sila kahit konting saglit ng araw nila./Remate News Team