Pagtanggal ng negatibong COVID test result sa pagbyahe ng bakunado, ipinaliwanag ni Roque

Pagtanggal ng negatibong COVID test result sa pagbyahe ng bakunado, ipinaliwanag ni Roque

July 8, 2021 @ 5:10 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Binigyang katuwiran ng Malakanyang ang pag-waive sa negatibong RT-PCR COVID-19 test result bilang requirement para sa domestic tourists.

Ang negative test ayon kay Presidential spokesperson Harry Roqueay hindi “full guarantee” ng pagiging COVID-19 free.

Tinukoy ni Sec. Roque ang naging desisyon ng pamahalaan na paluwagin ang border restrictions para sa mga fully vaccinated domestic tourists kung saan nire-require ang mga ito na mag-presenta ng kanilang vaccination card sa halip na negative RT-PCR test result.

“Ang siyensiya naman po, ‘pag nabakunahan na, hindi ka na magkakasakit ng malala, napakaliit na ng tsansa na makapanghawa, although meron pa rin,” anito.

“Wala naman talagang 100% guarantee. Even if you test negative with RT-PCR, the virus could not be immediately captured, so there is no 100% guarantee in a pandemic,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, kinikilala naman ni Sec. Roque ang mga concerns ng local government units (LGUs) subalit hindi naman ginarantiya ang pagpapalit ng polisiya.

“The concerns of the LGUs will be addressed, but as of the moment, there is no new IATF resolution on this,” ayon pa rin kay Sec. Roque.

Ang IATF ay Inter Agency Task Force na nagsisilbing policy body ng estado para sa COVID-19 response.

Samantala, ipinakita naman ng pamahalaan sa record nito na ang bansa ay nananatiling nakapagtala ng 4,000 bagong COVID-19 cases araw-araw. Kris Jose