Pagtanggal ng police escort kay Senador Trillanes, binigyang katuwiran ng Malakanyang

Pagtanggal ng police escort kay Senador Trillanes, binigyang katuwiran ng Malakanyang

July 14, 2018 @ 1:52 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Binigyang katuwiran ng Malakanyang ang pahayag ng Philippine National Police (PNP) na binawasan ng police escort si Senador Antonio Trillanes IV.

Para sa PNP, 4 na police escort lamang ang allowed o pinapayagan sa isang katulad ni Senador Trillanes kaya’t binawasan siya ng 2 police escort.

May 6 na police escort kasi si Senador Trillanes.

“Per PNP, 2 were removed as he already had 6 when he’s only allowed 4. Let’s allow our PNP to keep our communities safe. pls,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa panig naman ni Senador Trillanes ay sinabi nito na base sa pagkakaalala niya, mula noong katapusan ng Hunyo ay inalis na ang mga tauhan ng PNP na nakatalaga sa kaniya.

Kamakailan ay nag-viral ang post ng isang netizen na nagpapahayag ng pangamba na baka matulad si Trillanes kay Tanauan City Mayor Antonio Halili na napatay makaraang bawian ng PNP security detail.

Ani Trillanes, wala namang dapat ipag-alala dahil alam niyang pangalagaan ang kaniyang sarili.

Naniniwala rin siyang kung oras na ng isang tao ay oras na niya. (Kris Jose)