Pagtanggal sa term limit solusyon sa political dynasties – Speaker Alvarez

Pagtanggal sa term limit solusyon sa political dynasties – Speaker Alvarez

July 23, 2018 @ 2:02 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Pabor si House Speaker Pantaleon Alvarez na alisin ang term limits ng mga elected officials na isa sa probisyon na nakapaloob sa Draft Federal Constitution.

Sa kanyang taumpati sa pagbubukas ng Third Regular Session ng Kamara sinabi ni Alvarez na pabor siya sa anti poltical-dynasty provision na inirekomenda ng binuong Constitutional Commission, aniya, nagkakaroon ng political dynasty dahil mayroong term limits.

” Para rin wala nang pipilitin sa pamilya tumakbo kahit ayaw naman talaga. I have manifested, and made public, that I am amenable to an anti-political dynasty provision as proposed by the Consultative Committee draft. However, I have also made it clear, based on my personal studies and consultation with peers, that political dynasties proliferated because of the unintended effects of imposing term limits,” pahayag ni Alvarez sa kanyang speech.

Umapela rin si Alvarez sa Kamara na suportahan ang isunusulong na Pederalismo ng Duterte Administration. (Gail Mendoza)