Pagtanggap ng komunyon gamit dila ibinalik sa Pangasinan

Pagtanggap ng komunyon gamit dila ibinalik sa Pangasinan

January 20, 2023 @ 9:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinapayagan na sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan ang pagbibigay ng komunyon sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng dila.

Sa isang circular na naglalaman ng “liturgical guidelines” na inilabas noong Huwebes, sinabi ni Archbishop Socrates Villegas na ang panukala na nasuspinde ng halos tatlong taon dahil sa coronavirus pandemic ay inihinto na at ibinabalik ang nakagawiang pagtanggap ng komunyon ng mga katoliko.

Hiniling din niya sa publiko na ibaba ang kanilang mga face mask kapag sila ay pumila upang tumanggap ng komunyon.

“This is to insure that both hands are totally free to receive the Body of Christ. The incidents of accidentally dropping the Host on the floor have become frequent due to the double preoccupation of the hands with the Host and the face mask at the time of reception,” aniya pa.

Kasabay nito, ang Mass presider, lectors at commentators ay hindi na kinakailangang magsuot ng face mask kapag nagpapahayag ng Salita ng Diyos o nagbabasa ng pamamagitan sa panahon ng Misa. RNT