Pagtanggap sa Nat’l ID sa mga transaksyon tinintahan na ni Digong

Pagtanggap sa Nat’l ID sa mga transaksyon tinintahan na ni Digong

February 16, 2022 @ 2:00 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Tinintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang Executive Order na nagbibigay direktiba sa mga government at private offices na tanggapin na ang Philippine Identification System Number ng isang indibidwal na may ginagawang transaksiyon sa mga ito. 

Sa pamamagitan ng EO number 162, binibigyang diin dito na ang record o number sa Philsys ay maituturing ng sapat ng katibayan para sa pagkakakilanlan ng isang indibidwal.

“The PhilSys shall be the government’s central identification platform for all citizens and resident aliens of the country. In connection with the policy under Republic Act No. 11055 or the Philippine Identification System Act, an individual’s record in the PhilSys shall be considered as sufficient proof of identity and age of an individual for public and private transactions,” ayon sa Pangulo.

Ang PhilID ay ituturing na aniyang official government issued identification document, official proof of identity na maaaring magamit sa lahat ng transaksiyon, pribado o sa pampubliko mang opisina.

Saklaw ng transaksiyon ng PhilID ng isang cardholder ang GOCC, LGU, state universities at colleges gayundin ng iba pang institusyon.

Sa ilalim ng EO, “the Philippine Statistics Authority shall ensure that cardholders or holders of the PSNs will not be prejudiced if authentication cannot be performed through no fault on the part of said persons.”

“Neither does this order foreclose the recognition and acceptance of other government-issued identification documents in government and private transactions,” nakasaad sa EO.

Ang mga bangko at iba pang financial institutions ay kailangan na sumunod sa guidelines na ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas at iba pang regulatory agencies sa paggamit ng PhilID, PSN o PSN Derivative.

Samantala, nilagdaan ng Pangulo ang EO 162 noong nagdaang Araw ng mga Puso, Pebrero 14, 2022. Kris Jose