Pagtanggi ng DOH sa audit ng COVID vax, sinita ni Hontiveros

Pagtanggi ng DOH sa audit ng COVID vax, sinita ni Hontiveros

December 5, 2022 @ 4:41 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Matinding binatikos ni Senador Risa Hontiveros ang kasalukuyang pamunuan ng Department of Health (DOH) sa patuloy na pagtanggi nitong isailalim sa awdit ang lahat ng ginastos ng pamahalaan sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na matagal na nitong hinihiling sa DOH na isailalim sa awdit ang ginastos sa pagbili ng bakuna sa pamamagitan ng ilang resolusyon upang malaman ng taumbayan kung maayos ang paggamit ng pondo.

“Bilyun-bilyon ang nilagak at ginastos natin sa COVID-19 responses, up to this point, concerned agencies like the DOH, whether under Duque or Vergeire, are not providing the Commission with sufficient documents to proceed with the special audit. Tama na ang turuan, government agencies should cooperate and get the audit done,” giit ni Hontiveros.

“Over 2 years I have urged, time and time again through several resolutions, for COA to conduct a special audit. Paulit-ulit ang panawagan, hindi lang galing sa akin, but even other senators and officials as well,” dagdag niya.

Aniya, habang tumatagal ang proseso ng special audit, hindi matukoy ang mga ahensya at indibidwal na posibleng sangkot sa pagsasayang o anomalya sa pondong ginasta at inutang ng gbbyerno para sa pagtugon ng bansa laban sa COVID-19.

“We expect COA, to the fullest extent of its authority, to compel all government agencies involved to submit the documentary requirements, and complete the audit procedure at the latest by June 2023. Truth be told, the time to subpoena the withheld documents COA needs for its special audit was yesterday,” giit ng minoryang mambabatas. Ernie Reyes