Pagtanggi sa deployment ban sa Kuwait, ‘di kahinaan – DMW

Pagtanggi sa deployment ban sa Kuwait, ‘di kahinaan – DMW

January 29, 2023 @ 11:43 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa kabila ng mga panawagan ng deployment ban sa mga manggagawa sa Kuwait kasunod ng pagkamatay ng OFW na si Jullebee Ranara, iginiit ni Migrant Workers chief Susan Ople na hindi senyales ng kahinaan kung hindi man nila ito ginawa.

Matatandaan na ipinanawagan na ng ilang senador ang hakbang na ito, kabilang na sina Senador Jinggoy Estrada at Senate Minority Leader Joel Villanueva.

“It should not be seen as a sign of weakness, on the part of the Philippine government, in deciding not to impose a deployment ban,” ani Department of Migrant Workers chief (DMW) Ople sa press briefing.

Ipinaliwanag din niya na dapat ikunsidera ang mga OFW na nakatira na sa Kuwait na posibleng mahirapan sa gagawing ban.

“Another concern of ours is pag nag-impose tayo ng ban, yung mga employers na mayroong Filipino domestic workers, lalo yang hindi papayag na magpa-uwi ng kanilang kasambahay dahil alam nila walang kapalit from the Philippines, so mahihirapan tayo lalong i-extricate yung mga nangangailangan ng tulong or yung mga malapit na mag-expire yung kanilang contacts,” sinabi pa niya.

Posible rin aniyang magdulot ng bilateral issues ang deployment ban at magparating ng mensahe na galit ang Pilipinas sa Kuwait.

Naniniwala si Ople na hindi makabubuti ang deployment ban sa ngayon lalo pa’t nakikipagtulungan naman umano ang Kuwaiti government.

“The determination of the Department of Migrant Workers, and upon the advice of the Department of Foreign Affairs, we believe that it is in the national interest that we continue to pursue labor diplomacy, labor reforms, through bilateral talks, through mechanisms that have already been set up in the past for corrective actions,” ani Ople. RNT/JGC