Pagtapyas ng badyet sa contact tracers hamon sa DILG – Malaya

Pagtapyas ng badyet sa contact tracers hamon sa DILG – Malaya

January 12, 2022 @ 4:47 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nahaharap ngayon sa hamon ang Department of the Interior and Local Government makaraang tapyasan ang badyet para sa contact tracers, ayon kay  spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya.

Sinabi ni Malaya sa isang panayam na nakatanggap ang kanilang departamento ng P250 milyon para sa contact tracers sa 2022.

“For this year, there was a decrease in the budget of the DILG for contact tracing funds. We are only given P250 million by Congress in the General Appropriations Act of 2022.”

Idinaing din ng DILG na hindi na sila kukuha ng karagdagang contact tracers dahil dito. RNT/FGDC