Pagtataas ng corporate income tax ng pribadong eskuwelahan, kinatigan ng Malakanyang



Pagtataas ng corporate income tax ng pribadong eskuwelahan, kinatigan ng Malakanyang

June 10, 2021 @ 6:40 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Suportado ng Malakanyang na taasan ang corporate income tax ng pribadong eskuwelahan.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, suportado ng Malakanyang ang posisyon ni Finance Secretary Carlos Dominguez II na nanindigan sa naging desisyon ng Bureau of Internal Revenue’s (BIR) na magpatupad ng “higher” income tax sa mga private schools.

Pinanindigan ni Dominguez ang BIR regulation.

Giit nito, sinusunod lamang ng BIR ang “original definition” ng Tax Code nang gawin nila ang bagong ruling.

“Nagsalita na ang ating kalihim na Secretary of Finance and we, of course, support the position of the Secretary of Finance, na ‘yung interpretasyon ng BIR doon sa non-profit schools na dapat 100% ng kinikita nila ay hindi napupunta sa any other purpose other than for the purpose of the school is pursuant to the CREATE law and pursuant to establish jurisprudence,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Sinasabing, dalawa sa “largest associations” ng mga pribadong eskuwelahan kasama ang 31 colleges at universities, ang naghain ng petisyon sa Court of Tax Appeals (CTA) na humihiling na pahintuin ng BIR mula sa pagtataas ng kanilang corporate income tax ng 150%, isa itong malinaw na pglabag sa Tax Code at sa Saligang Batas.

Nauna rito, nagbabala ang mga private schools na mas marami pang nasa hanay nila ang mapipilitan na magsara o magtaas ng tuition fee dahil sa “ill-timed” regulation ng BIR na taasan ang kanilang income tax rate ng 150 %. Kris Jose


  •  
  •  
  •