Pagtataas ng kaso ng leptospirosis dahil sa basura – DENR

Pagtataas ng kaso ng leptospirosis dahil sa basura – DENR

July 5, 2018 @ 3:28 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Naniniwala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa bansa ay dahil sa mga naglipanang basura sa kalye na humalo sa ihi ng daga.

Ayon kay Director Eli Ildefonso, Executive Director ng National Solid Waste Management ng DENR dahil sa kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura lalo na sa Metro Manila tumataas ang kaso ng nakamamatay na sakit na leptospirosis.

Sa isang interbyu sinabi ni Ildefonso na sa Metro Manila pa lamang ay aabot na sa 20 tons ng basura ang hinahakot araw-araw, habang 40 tons naman ng basura ang hinahakot sa buong bansa.

Sinabi pa ni Ildefonso na kaya tumataas ang mga kaso ng leptospirosis ay dahil sa problema ng basura partikular na sa Metro Manila na humahalo ang ihi at dumi ng daga sa mga basura na siya naman bumabara sa mga kanal at estero at siyang nagiging dahilan ng baha.

“Isipin nyo na lang na sa Metro Manila pa lang 20 tons ng basura ang hinahakot araw araw” ani pa ni Ildefonso.

Ayon pa sa DENR director dahil sa hindi tamang pagtatapon ng basura nagiging dahilan ito ng baha na siyang pinagmumulan ng sakit kabilang na ang leptospirosis.

Iminungkahi ni Ildefonso na pinamakamabisa pa rin solusyon sa problema ng basura ang segration at material recovery.

“Dapat magtayo ng material recovery at segration ang mga komunidad sa kanilang barangay bilang solusyon sa problema ng basura” ani pa ni Ildefonso.

Sinabi pa nito na meron nang programa ang DENR para sa segration ng basura ang problema lamang ay hindi ito maayos na naipapatupad sa mga barangay dagdag pa nito.

“May programa na ang DENR para magsegrate ng basura ang mga tao sa kanilang tahanan” ani pa ni Ildefonso.

Idinagdag pa nito na ang segration at material recovery ang pinaka mabisa pa rin solusyon sa problema sa basura at panlaban sa leptospirosis pagdidiin pa ni Ildefonso. (Santi Celario)