Pagtataas ng storm signal dahil sa Bagyong Inday, posible – PAGASA

Pagtataas ng storm signal dahil sa Bagyong Inday, posible – PAGASA

September 10, 2022 @ 10:15 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Mataas umano ang posibilidad na ilagay sa tropical cyclone wind signal ang ilang probinsya o lugar sa extreme Northern Luzon dahil sa Severe Tropical Storm Inday.

Ito ang inihayag ng PAGASA dahil posible itong lumakas pa at lumapit sa nabanggit na lugar.

“Possible na mahagip itong Batanes and even Babuyan group of islands, possible tayong magtaas ng tropical cyclone wind signal worst-case scenario po natin ‘yan,” sinabi ni PAGASA weather forecaster Benison Estareja.

Matatandaan na sa huling ulat ng PAGASA ay napanatili ng bagyong Inday ang lakas nito na 110 kilometro kada oras at pagbugso na 135 kilometro kada oras.

Inaasahang lalapit ito sa extreme Northern Luzonn sa mga susunod na oras ngunit hindi inaasahan ang landfall sa alinmang bahagi ng bansa. RNT/JGC