Pagtatag ng Artificial Intelligence Development Authority, inihain sa Kamara

Pagtatag ng Artificial Intelligence Development Authority, inihain sa Kamara

March 13, 2023 @ 7:17 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Isang panukalang batas na nagsusulong na magtatag ng Artificial Intelligence Development Authority (AIDA) ang inihain sa Kamara ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

Layon ng panukala na palaguin at mag-implementa ng national AI Strategy.

Ang AIDA ang siyang ahensyang mangangasiwa sa development at deployment ng AI technologies sa bansa upang tiyain na naka-angkla ito sa prinsipyo ng “responsible AI technologies.

“The strategy will promote research and development in AI, support the growth of AI-related industries, and enhance the skills of the Filipino workforce in the field of AI,” nakasaad sa panukala.

Sakop ng AI ang iba’t ibang uri ng teknolohiya kabilang ang machine learning, deep learning, neural networks at natural language processing.

Ipinaliwanag ni Barbers na sa oras na maisabatas, ang AIDA ang babalangkas ng data security at cybersecurity standards para sa AI systems para matiyak na protektado ito sa cyberattacks at hacking.

Nakapaloob din sa panukala ang pagbibigay ng funding support para sa AI research at development activities katuwang ang mga academic institutions at private companies gayundin ang pag-enganyo na mapaunlad ang AI talent sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasagawa ng education at training programs. Gail Mendoza