Pagtatag ng Center for Disease Control aprub na sa Kamara

Pagtatag ng Center for Disease Control aprub na sa Kamara

December 13, 2022 @ 1:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Lusot na sa House of Representatives ang panukalang pagtatag ng Philippine Center for Disease Prevention and Control (CDC).

Sa botong 255 ay aprubado na ang House Bill 6522, ang CDC ang syang ahensyang mangangasiwa sa forecasting, analysis, strategy, formulation at standards development para sa prevention and control ng mga sakit.

Ang CDC ang siyang aaktong national focal point ng bansa para sa international health regulation (IHR) gayundin ang syang mag-iimplementa ng disease surveillance, field epidemiology activities; data collection at analytics; magrerekomenda ng aksyon para sa public health threats at may mandato ito na magestablisa ng Center for Health Statistics (CHS), Center for Epidemiology and Surveillance (CES), Center for Health Evidence (CHE) at Center for Health Laboratories (CHL).

Sakaling maisabatas, bibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo ng bansa kung mayroong public health emergencies, na atasan ang privately-owned establishment kabilang ang mga ospital, medical at health facilities, passenger vessels at iba pang private enterprises na magbigay ng support services para sa public health emergency response. Gail Mendoza