Pagtatag ng disaster department muling inihain sa Kamara

Pagtatag ng disaster department muling inihain sa Kamara

July 11, 2022 @ 4:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Muling inihain sa Kamara ni Leyte Rep Martin Romualdez ang panukalang pagtatag ng Department of Disaster Resilience (DDR).

Layon ng House Bill No. 13 na maging handa ang bansa sakaling magkaroon ng mga kalamidad.

“It is high time that we create a truly empowered department that will focus on natural hazards and disasters, characterized by unity of command, a science and ICT-based approach, and the capacity to take charge of three key result areas: disaster risk reduction; preparedness and response; and recovery, rehabilitation and building forward better,”ayon sa panukala.

Ang Pilipinas ay ikalawa sa mga bansa sa buong mundo na apektado ng climate change at mga kalamidad, patunay dito ang pagpasok ng mga mapinsalang bagyo taon taon.

Nasa 74 percent ng mga Pinoy at 80 percent ng land area ng bansa ang lantad natural calamities kaya naman mainam na may isang ahensya na tututok sa mga pangangailangan kung may kalamidad.

Sa ilalim ng panukala, ang DDR ang syang magsisilbing primary disaster management agency, magkakaroon ito ng kapangyarihan na magbalangkas at magpatupad ng disaster risk reduction, preparedness, and response management program.

Mayroon din itong emergency measures na maaring ipatupad gaya ng preemptive o forced evacuation, curfew at pagrasyon ng pagkain.

Magtatayo ito ng operations center, command and control center at disaster resilience and training institute at ang pondo ng DDR ay kukunin sa Office of Civil Defense (OCD) at aatasan ang
LGUs na magbigay ng 5% ng kanilang annual budget bilang local disaster resilience fund.

Maliban kay Romualdez, co author sa panukala sina Tingog Partylist Reps Yedda Marie. Romualdez at Jude Acidre. Gail Mendoza