Pagtatag ng ENT center ipinanukala

Pagtatag ng ENT center ipinanukala

September 12, 2022 @ 3:55 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Isang panukala ang inihain sa House of Representatives na nagsusulong sa pagtatatag ng Philippine Ear, Nose and Throat (ENT) Center.

Sa ilalim House Bill 4293 na inakda ni Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo ay aatasan ang DoH na maglaan ng lugar para sa itatayong ENT Center at bubuuin ito ng 7 member board of trustees na may 3 taong termino at pamumunuan ito ng Executive Director na itatalaga ng Pangulo ng bansa base sa rekomendasyon ng board.

Partikular na tutugunan ng itatayong center ang mga mga mahihirap kung saan 40% ng hospital beds nito ay para sa mga mahihirap.

Sa oras na maisabatas ay P500M ang inisyal na alokasyon para sa operation and maintenance at ang susunud na pondo ay isasama sa national budget.

Ang pagtatag ng ENT Center ay naihain na noong 15th, 17th at 18th Congress at may kahalintulad na panukala din ang nakabinbin sa Senado. Gail Mendoza