Pagtatag ng Philippine High School for Creative Arts System itinutulak sa Kamara

Pagtatag ng Philippine High School for Creative Arts System itinutulak sa Kamara

February 15, 2023 @ 6:51 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pasado na sa House Committee on Basic Education and Culture ang House Bill 5075 na nagsusulong ng pagtatatag ng Philippine High School for Creative Arts System (PHSCA).

Layon ng panukala na inakda nina Davao City Rep Paolo Duterte, Benguet Rep Eric Yap, ACT-CIS Partylist Reps Edvic Yap at Jeffrey Soriano na magkaroon ang bansa ng specialized high schools na mas magpapalago sa “artistic skills” at talento ng mga batang Pinoy.

Umaasa si Duterte na agad nang maipapasa ang panukala alinsabay na rin sa pag-obserba ngayong buwan sa National Arts Month.

“It is only fitting that the House act fast in passing this measure to help ensure the development of the talents of artistically gifted children who will, in the future, lead in promoting and preserving Philippine arts and culture,” paliwanag ni Duterte.

“Given that culture and the arts are essential to the holistic development of society, it is imperative to work towards more inclusive opportunities for children to engage in the creative arts, for such measures will provide the foundation for their success in the future,” dagdag pa nito.

Ipinaliwanag ni Duterte na sa ilalim ng panukala ay hindi magdaragdag ng bagong high school bagkus ay maglalagay lamang ng creative arts system sa pamamagitan ng pagsasaayos ng curriculum sa arts and design special programs sa mga kasalukuyan nang paaralan sa ilalim ng Department of Education (DepEd).

Nakapaloob din sa panukala ang pagbibigay ng scholarships sa mga estudyante na magpapakita ng malaking potensyal sa larangan ng performing arts, creative writing, visual arts at applied arts.

Sa oras na maisabatas ang DepEd ang syang mangangasiwa sa pagbuo ng curriculum katuwang ang National Commission on Culture and the Arts (NCCA) at iba pang cultural agencies. Gail Mendoza