Pagtatag sa Virology Institute OK na sa Kamara

Pagtatag sa Virology Institute OK na sa Kamara

December 5, 2022 @ 5:46 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinagtibay na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang pagtatatag ng “Virology and Vaccine Institute of the Philippines” (VVIP).

Sa botong 216 na pabor, walang tumutol at nag-abstain ay ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 6452.

Ang VVIP bill ay isa sa priority measures na isinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang unang State-of- the-Nation Address o SONA.

Ikinatuwa naman ni House Speaker Martin Romualdez ang pagkakapasa sa nabanggit na panukala sa pagsasabing:

“What we learned from the last pandemic is that if a health crisis is in a scale that crosses international borders, we have to act fast and rely on our own resources. We need to respond to it effectively. A virology and vaccine institute can help us stop a deadly virus in its tracks.”

Sina Romualdez at ang maybahay nito na si Tingog Rep. Yedda Marie K. Romualdez at kasamang si Jude Acidre ay pawang mga pangunahing may-akda ng nasabing panukala.

Nauna nang sinabi ni House Committee on Health Chairman Ciriaco Gato Jr. na hangad ng panukala na matamo ang “health security” para sa mga Pilipino.

Ang VVIP ay nakikita rin bilang isang “long term solution” sa pandemya at iba pang health emergencies na susulpot sa hinaharap.

Ang institute ay isasailalim sa Department of Science and Technology o DOST at tututukan nito ang mga pag-aaral na may kinalaman sa mga virus at viral diseases na nakakaapekto sa tao, hayop at mga halaman, at commercialization ng virus technology.

Ito ay dapat ding magkaroon ng koordinasyon sa mga eksperto sa abroad para sa mga makabagong pag-aaral at development ng mga bagong treatment at mga bakuna. Meliza Maluntag