Pagtatago ng flu, cough meds, itinanggi ng Unilab

Pagtatago ng flu, cough meds, itinanggi ng Unilab

January 16, 2022 @ 12:24 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Pinabulaanan ng local pharmaceutical giant na United Laboratories Inc. (Unilab) nitong Sabaso ang mga balitang nagtatago ang kumpanya ng stocks ng popular na medicine brands upang pataasin ang presyo nito.

Ayon sa Unilab, ang balitang nagtatago ito ng Biogesic, Bioflu, Neozep, Solmux, at Decolgen, na sanhi ng out-of-stock situations sa mga tindahan ay hindi totoo.

“Unilab has not increased the prices of these brands,” ayon sa drug maker.

Kamakailan ay kumalat sa social media ang hinaing ng mga netizen ukol sa hirap sa pagbili ng paracetamol brands at anti-flu pills dahil out of stock ang mga ito sa drug stores.

Inamin ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) ang pansamantalang kakulangan ng ilang paracetamol brands sa ibang lugar.

Humingi naman ng pasensya ang Unilab sa mga mamimili at sinabing ang “extraordinary demand” sa mga gamot ang sanhi sa kakulangan nito.

“The temporary out of stock situation in certain drugstores is due to the extraordinary high demand for products for fever, cough, colds, and flu in certain areas of the country,” paliwanag ng kumpanya.

“We urge everyone to refrain from relying upon and passing on false news in order not to cause public panic and anxiety. We will post, from time to time, relevant information through our social media channels,” dagdag pa ng Unilab. RNT/SA