Pagtatalaga ng kapulisan sa hotels, pansamantala lamang- Año

Pagtatalaga ng kapulisan sa hotels, pansamantala lamang- Año

January 5, 2022 @ 4:20 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ni Interior Secretary Eduardo Año nitong Miyerkules na pansamantala lamang ang pagtatalaga ng mga pulis sa hotels kasunod ng “surge” ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa bansa.

“Hindi naman kasi ito permanent, while we are experiencing a surge at nasa [Alert] Level 3 tayo,” pahayag ni Año sa CNN Philippines.

Inilahad ni Año na hindi bababa sa 1,000 ang quarantine hotels sa bansa. Aniya, sinimulan ang pagbabantay ng kapulisan sa mga establisimyento nitong Miyerkules.

Nitong Martes, iniatas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa law enforcers na bantayan ang hotels na nagsisilbing quarantine facilities para sa returning Filipinos. RNT/SA