Pagtatalaga ng OIC sa OPS binigyang katwiran ni PBBM

Pagtatalaga ng OIC sa OPS binigyang katwiran ni PBBM

October 14, 2022 @ 2:46 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Binigyang katuwiran ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naging pasya nito na maglagay muna ng Officer in Charge (OIC) sa Office of the Press Secretary (OPS) sa halip na isang full-pledged Secretary.

Matatandaang itinalaga kasi ng Pangulo si OPS Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil bilang OIC ng nasabing ahensiya matapos na kausapin at hingin ang serbisyo nito para punan ang bakanteng posisyon sa OPS.

Sa isang ambush interview matapos ang 8th Annual Balik Scientist Program Convention sa PICC, sinabi ng Pangulo na nasa yugto pa rin sila ng transition habang nagpapatuloy pa rin ang rightsizing.

“Because we are still in transition. We talk about rightsizing all the time. We are rightsizing everything, everywhere all the time and this is part of that. So, that’s the reason that I said we are still in transition. but magsosolidify na yang mga position na yan,” ani Pangulong Marcos.

Bukod pa dito, masusi aniya ang ginagawa nilang pagbusisi sa nasabing aspeto at lahat ng detalye tungkol dito ay pinag-aaralang mabuti.

Sa kabilang dako, siniguro naman ng Punong Ehekutibo na mapupunan din naman sa bandang huli ang mga posisyon sa gabinete na nananatiling bakante at wala pang permanenteng Kalihim. Kris Jose