Pagtatalaga ng polling place sa PWD, senior aprub na sa House panel

Pagtatalaga ng polling place sa PWD, senior aprub na sa House panel

November 23, 2022 @ 4:58 PM 4 days ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng House suffrage and electoral reforms panel nitong Miyerkules, Nobyembre 23 ang panukala na magtatalaga ng mga polling precincts para lamang sa mga persons with disabilities (PWDs) at senior citizens.

Sa ilalim ng hindi pa nabibigyang-numero na substitute bill, bibigyan nito ng kapangyarihan ang Commission on Elections (Comelec) na magtatag ng mga polling place na angkop sa pangangailangan ng mga nabanggit na miyembro ng lipunan.

Ito ay upang patuloy pa rin nilang magamit ang karapatan sa pagboto.

Subject for consolidation pa ang inaprubahang House Bills (HB) 126, 1221, at 5472 ng Kamara.

Ang HB Number 1221 ay ipinanukala ni Marikina 2nd District Representative Stella Luz Quimbo na dapat ilagay malapit sa munisipyo o city hall ang polling precinct ng mga PWD at senior.

“[It] shall be located at the ground floor, preferably near the entrance of the building, and is free of any physical barriers and provided with necessary services, including devices,” ayon sa panukala.

Ayon naman kay Atty. Tonette Rivera, na tumatayong representative ng Office of Comelec Chairman, suportado ng ahensya ang naturang panukala dahil nakaayon ito sa kanilang pangunahing konsiderasyon.

“We are working on additional comments and suggestive revisions on the bill, particularly relating to the transmission of the list of deceased persons from the PSA to the local DOs. We are just coordinating with the proper departments on how to improve it to make it more efficient operationally,” dagdag niya.

Para naman sa Department of Budget and Management (DBM), wala ring pagtutol dito si Atty. John Paul Martin ngunit ipapasa nila ito sa Comelec upang aralin ang feasibility ng implementasyon at operationalization ng exclusive polling precincts.

“Gusto po naming bigyan ng emphasis na [we would like to emphasize that the] funds necessary for the implementation will be sourced from the available budget of the Comelec,” aniya. RNT/JGC