PAGTATAMA NG GENDER SA BIRTH CERTIFICATE (Part 1)

PAGTATAMA NG GENDER SA BIRTH CERTIFICATE (Part 1)

November 4, 2022 @ 1:16 AM 1 month ago


GAANO nga ba karami ang requirement at gastos na kakailanganin ng isang tao upang maitama ang kanyang gender sa birth certificates?

Isa sa pinakamaraming maling entrada sa birth certificate ay ang maling gender o kasarian. Ito ay yung ipinanganak na lalaki, nairehistro na babae.

Ayon sa HELPlline ng Philippine Statistics Authority ang maling gender ay isa lang clerical error kaya maaring maitama pag nag-file ng petition for correction of gender sa Local Civil Registry kung saan nakarehistro ang birth certificate.

Ito ay ayon sa batas R.A. 10172. Ang hangarin ng batas ay para gawin na mas madali ang pagtatama ng mga entrada sa birth man o marriage certificate at iba pang dokumento na maliit lang ang gastos. Noong wala pa ang R.A. 10172 ay sa Husgado sinasampa ang petition.

Pero napadali ba? Mukhang lalong humirap.

Ayon sa PSA HELPline ang mga requirements na kailangan ay ang mga sumusunod:
1. PSA copy ng birth certificate na may entradang maling gender.
2. PSA Marriage certificate kung kasal.
3. PSA birth certificate ng mga anak ng petitioner.
4. School records
5. Medical records issued by an accredited physician that the petitioner has not undergone sex change or sex transplant.
6. No pending case certificate galing sa PNP, NBI or employer. 7. 2 valid ID
8. Affidavit of publication
9. P3,000 fee

Sa dami ng requirements na hinihingi ng LCR ay mukhang mas mahirap at mas magastos ang pagtatama ng gender sa LCR.

Bakit kailangan pa ng “medical records issued by an accredited physician that the petitioner has not undergone a sex change or sex transplant”?

Aba’y sa itsura na lang ng petitioner ay malalaman mo na lalaki o babae. Bakit kailangan pa na patunayan ng isang accredited doctor (hindi basta doctor) na hindi siya nagpa sex transplant?

Marahil kung may duda ang LCR ay sige pero kung napaka-obvious naman na babae o lalaki ang petitioner bakit kailangan pa ng medical certificate from an accredited physician.

Isa pa, maski hindi accredited physician kayang kaya ng ordinaryong tao na malaman ang lalaki at babae. Gastos pa yan! (May karugtong)