PAGTATAMA NG GENDER SA BIRTH CERTIFICATE (Part 2)

PAGTATAMA NG GENDER SA BIRTH CERTIFICATE (Part 2)

November 5, 2022 @ 1:20 AM 1 month ago


ISA pa, maski hindi accredited physician kayang kaya ng ordinaryong tao na malaman ang lalaki at babae. Gastos pa yan!

At di ba requirement na i-submit din ang mga birth certificate ng mga anak at kapag kasal ay marriage contract? Hindi pa ba sapat na patunay na babae ang petitioner kapag nanganak na siya o nakasal.

Ang lalaki naman hindi pa ba sapat na natuli na siya at nagasawa na? Hindi ba pwede na sa ITSURA PA LANG NG PETITIONER AY i-CERTIFY NA NG LCR NA LALAKI O BABAE SIYA. Bakit ginawang rule pa ang certificate ng non-sex change? Ilan ba ang nagpapa-sex change? At kahit ilang sex change pa gawin ay mahahalata naman sa katawan, kilos at iba pa ang kasarian ng tao! Dapat alisin na ng PSA ang requirement na ito!

Isa pa ay ang certificate of no pending case? Ha?! Aba’y ibig bang sabihin na kung may kaso siya ay hindi na niya pwede itama ang gender niya sa birth certificate? Ano ang connection ng gender sa kaso?

Kung may kaso bang trespass to dwelling o reckless imprudence resulting to damage to property ay aantayin pa niya matapos ang kaso para maitama gender niya? Ano koneksyon ng kaso sa pagtatama ng gender?

At para saan pa ang publication? Mahal ang bayad sa publication. At karaniwang may problema sa mga maling entrada sa birth certificate ay mahihirap.

Hindi nila kaya ang magbayad pa ng publication. Sa totoo lang hindi naman kasalanan ng may ari ng birth certificate ang mga maling entrada sa birth certificate nya. Hindi ba pwedeng padaliin ang requirenents at babaan ang fees?

Panawagan po natin sa PSA at mga mambabatas na tingnan itong mga pahirap policies na ito sa pag correct ng mga entries sa birth certificate at mapadali para sa tao, at sa ganitong mga problema kailangan ng tulong ng ARTA.

Ang mga ganitong pahirap requirements ang ugat ng korapsyon sa mga Ahensiya. Pahirapan sa requirements para magbigay ng padulas. Maawa kayo sa tao.
oOo oOo oOo oOo

Atty. Ariel Inton
President, Lawyers for Commuters Safety and Protection
09178174748