Pagtatanggal ng quarantine protocol ng mga fully-vaccinated na kinokonsidera ng IATF

Pagtatanggal ng quarantine protocol ng mga fully-vaccinated na kinokonsidera ng IATF

May 31, 2021 @ 12:41 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Kinokonsidera ng Inter-Agency Task Force (IATF) na huwag nang isailalimsa quarantine protocol ang mga fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Sa katunayan ay may binuo ng sub-committee ang IATF na siyang lilikha ng rekomendasyon na may kinalaman sa ipatutupad na protocol para sa mga nakakumpleto na ng bakuna.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay sa gitna ng konsiderasyong magkaroon na ng pagkaka- iba sa protocol para sa mga fully vaccinated, hindi pa nakakumpleto at wala pang bakuna.

“We have, in fact, created in the IATF a subcommittee to come up with the recommendations on the protocols for fully vaccinated individuals ‘no,” saad nito.

“Some countries are no longer requiring in fact quarantine for those with evidence of full vaccination ‘no. So let’s await for the recommendations and the decision of the IATF. But what is definite is, the IATF is now studying and recognizing that protocols perhaps should be different for those who have been fully vaccinated.”

Aniya pa, sa ibang mga bansa nga ay hindi na obligado pa ang mga kumpleto na ng bakuna na sumailalim pa sa quarantine.

Sinabi ni Sec. Roque na ang kailangan lang ay makapag- presenta ang mga bakunado ng ebidensiya o certificate na sila’y nakakumpleto na ng dalawang doses ng bakuna.

Kaya makabubuti aniya na hintayin na lang ang magiging rekomendasyon dito ng Inter Agency Task Force. Kris Jose