Pagtatapon ng dumi ng tao ng Chinese vessel sa WPS, sinisilip na ng DENR

Pagtatapon ng dumi ng tao ng Chinese vessel sa WPS, sinisilip na ng DENR

July 13, 2021 @ 4:46 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Kinukumpirma na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung mga Chinese vessels ang nagtapon ng mga dumi ng tao sa West Philippine Sea.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, nakikipag-ugnayan na sila ng iba’t ibang ahensya ukol sa usapin.

“We will coordinate with PCG (Philippine Coast Guard) and DND (Department of National Defense) first on the authenticity of the allegation…We will also validate if indeed this are Chinese vessels,” saad ni Antiporda.

“After that, we will be seeking the attention of the Chinese government through our DFA (Department of Foreign Affairs),” dagdag niya.

 

Sa kabilang banda, nauna nang pinasinungalingan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ulat sa isang text message sa ABS-CBN News.

 

Ayon kay Lorenzana, ang larawang ipinakikita sa report ay hindi sa West Philippine Sea kundi sa Great Barrier Reef sa Australia.

 

Nag-tweet din si foreign affairs secretary Teddy Locsin Jr. ng “Report Fake” patungkol sa report.

 

Kahapon, nang lumabas ang ulat na daan-daang barko na naka-angkla sa Spratly Islands sa WPS ang nagtatapon ng “raw sewage” sa mga bahura na kanilang inookupa, base sa mga satellite images na ibinahagi ni Liz Derr, co-founder at chief executive officer ng US-based geospatial imagery firm na Simularity. RNT