Pagtatatag ng base militar ng dayuhan sa bansa, delikado sa mga Pinoy

Pagtatatag ng base militar ng dayuhan sa bansa, delikado sa mga Pinoy

July 27, 2020 @ 8:40 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nababahala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ideyang pagtatatag muli ng base militar ng dayuhan sa Pilipinas.

Sa ikalimang State of the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na napaulat na gusto ng US na muling magtatag ng military base sa Subic, Zambales.

Isinara ang Subic Naval Base noong 1992 matapos na bumoto ang Philippine Senate laban sa ekstensyon ng US military presence sa bansa.

“I have nothing against America. I have nothing against China,” ayon sa Pangulo.

Binalaan naman si Pangulong Duterte na ang pagho-host ng foreign military bases ay makatitiyak na pagkalipol ng mga Filipino kapag nagkaroon ng full-blown war.

“Kaya [kung] maglagay-lagay ka ng base at this time, this will ensure, if war breaks out, because there would be atomic arsenals brought in, this will ensure the extinction of the Filipino race,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na pinapanatili nito ang patuloy na independent foreign policy ng bansa.

Ang US at China ay nagkaroon ng trade conflict at matinding pagtatalo sa ilang usapin kabilang na ang karapatang-pantao at human rights at expansive claims ng China sa South China Sea, bahagi ng inaangkin din ng Pilipinas. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...