Pagtatatag ng National Cancer Center isinusulong sa Kamara

Pagtatatag ng National Cancer Center isinusulong sa Kamara

February 27, 2023 @ 2:57 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isang panukala ang inihain ni 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero na nagsusulong na magtatag ng National Cancer Center of the Philippines.

Layon ng House Bill 340 na inakda ni Romero na magkaroon ng isang institusyon ang bansa na tututok sa cancer patients, sa pamamagitan nito ay matitiyak umano na mayroong pondo para sa mga programa na mapaglalaanan sa taunang budget.

“Cancer is recognized as one of the leading causes of death in the country, and it’s the government mandate to make cancer treatment and care more equitable and affordable for all. A dedicated institute should be established to cater and ensure treatment and care of cancer patients,” paliwanag ni Romero.

Sa ilalim ng panukala, ang bubuuing National Cancer Center of the Philippines ang siyang magiging specialized hospital ng bansa sa cancer na tututok sa mga pasyente mula sa diagnosis, optimal treatment, responsive palliative care, pain management at rehabilitation.

Ipinaliwanag ni Romero na bagama’t sa ilalim ng National Integrated Cancer Control Act ay nakapaloob ang pagtatayo ng cancer centers sa regional health care level ay naniniwala ang mambabatas na hindi ito sapat bagkus ang kailangan ay isang specialty hospital na nasa national level. Gail Mendoza