Pagtatatag ng PH Online Library itinutulak sa Kamara

Pagtatatag ng PH Online Library itinutulak sa Kamara

November 21, 2022 @ 10:00 AM 6 days ago


Manila, Philippines – Pormal nang isinulong sa Kamara ang pagtatatag ng Philippines Online Library.

Batay sa House Bill (HB) 1582 o Philippine Online Library Act magkasamang pangangasiwaan ng Department of Education (DepEd) at ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang naturang Online Library.

“This bill seeks to establish the Philippine Online Library and mandate the digitizing of all textbooks necessary for the public education of elementary and secondary students to ensure access to and availability of learning materials and references,” ayon pa rin sa panukala na inakda nina TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre.

Ang HB 1582 na nakahain na sa House Committee on Basic Education and Culture ay nagsasaad na ang Philippine Online Library ay dapat magkaroon ng digitized copy ng lahat ng textbooks at reference books na ginagamit sa elementarya at sekundarya sa pampublikong paaralan.

“The COVID-19 pandemic has manifested the significance of digital technology, especially in the lives of children, serving as an important tool for their education, socialization, expression, and inclusion. Schools shifted to online learning and offices and workplaces moved to remote work,” sinabi pa ng dalawang mambabatas sa kanilang panukala.

Banggit nina Romualdez at Acidre na ang online library ay napapanahon dahil sa pag-usbong at patuloy na paglago ng teknolohiya nang sa gayun ay magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral sa paggamit ng computers at mabilis na access sa takbo ng mundo sa kasalukuyan.

“Thus, digitizing textbooks and references and the creation of this online library will match the pace of the emerging technologies. This will enable the students to have an enhanced learning experience, ensure that they are skilled in using computers, and have an equal access to the increasingly digitized world.”

Batay sa Section 4 ng panukala, dapat matiyak ng DepEd na ang mga mag-aaral sa elementarya at high school ay may sapat na access sa lahat ng digitized copies ng textbooks sas pamamagitan ng paglalagay ng mga computers, laptops, at iba pang gadget sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ang DICT naman ay dapat makatiyak na maibibigay ang mabilis at maaasahang internet access sa mga mga pampublikong paaralan.

“In order to offset expenses related to the procurement of computers, laptops, or appropriate wherewithal necessary for the immediate execution of the provisions of this Act, national government agencies, government-owned and controlled corporations, and other government financial institutions which shall procure new computers shall endorse their old units to the Department of Information and Communications Technology to check if the computers can still be used for the intent of this Act and afterwards shall be given to the Department of Education for deployment to primary and secondary public schools nationwide,” banggit pa sa panukala.

Kabilang sa panukala ang may P500 milyong pondo na isinulong nina Romualdez at Acidre para sa nabanggit na programa at taunang P100 milyon na isasama sa annual budget ng DepEd upang matiyak na ang mga inaasahang gamit at internet connection ay maipagkakaloob sa mga pampublikong paaralan.

Ang buong linggong ito mula Nobyembre 21 hanggang 25 ay ipinagdiriwang ang National Book Week sa Pilipinas upang maisulong ang “reading and literacy” sa mga mag-aaral gayundin ang kilalanin ang serbisyong ambag ng mga public libraries sa bansa. Meliza Maluntag