Pagtatatag ng Taal Commission pinamamadali sa Kamara

Pagtatatag ng Taal Commission pinamamadali sa Kamara

March 30, 2022 @ 9:24 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Umapela kahapon si Deputy Speaker Vilma Santos-Recto sa House of Representatives na agad nang ipasa ang panukalang nagsusulong ng pagbuo ng Taal Volcano Rehabilitation and Development Commission.

Ayon kay Santos-Recto, na dating gobernador ng Batangas, na ang pagbuo ng komisyon ay tugon para matutukan ang relief, resettlement, rehabilitation at assistance sa mga residenteng patuloy na naapektuhan ng pag aalburuto ng Taal Volcano.

“This proposed measure seeks to strengthen the mechanisms of government to address the needs of families and communities affected by the eruption of Taal Volcano,” ani Santos-Recto.

Sa ilalim ng  House Bill 5966 ag magkakaroon ng  Volcano Rehabilitation and Development Fund na nasa P50 bilyon, ang alokasyong ito ay gagamitin para sa pagtulong sa mga apektadong residente at negosyo sa paligid ng Taal Volcano.

Bubuo din ng  resettlement centers, homesites at townsites para sa mga residente gayundin ay magbibigay ng  livelihood, employment, construct, repair, rehabilitate ng mga public infrastructure.

Sinabi ni Recto na dapat maibalik sa norm ang pamumuhay ng mga residente lalo at walang nakakaalam sa kung ano pa at hanggang kailan ang pag-aalburoto ng Taal.

Mula taong 2020 ay nakailang beses nang nagkaroon ng evacuation sa mga apektadong residente dala na rin ng pagsabog sa Taal na ngayon ay nasa ilalim ng Alert Level 3. Gail Mendoza