Pagtatatag ng Virology and Vaccine Institute lusot na sa Kamara

Pagtatatag ng Virology and Vaccine Institute lusot na sa Kamara

December 6, 2022 @ 11:24 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang “Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VVIP) Act,” sa botong 216 yes, zero no votes, at zero abstentions.

Ang House Bill (HB) 6452 — na isang konsolidasyon ng 31 iba’t ibang panukalang batas — ay naglalayong lumikha ng VVIP na isang ahensya na magsisilbing estratehikong pagtugon sa pandemya ng COVID-19 at sa mga hinaharap na krisis sa kalusugan.

Ang VVIP ay magsisilbing virology hub para sa parehong mga sakit ng virus ng tao at hayop, at isang pagtatangka sa paglulunsad ng programa sa pagpapaunlad ng bakuna sa Pilipinas. Ito ay magiging attached agency ng Department of Science and Technology.

Ang VVIP ay itinakda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang priority measure ng kanyang administrasyon sa kanyang unang State of the Nation Address noong Hulyo. RNT