Pagtatatag ng virology institute, pinamamadali ng Kongreso

Pagtatatag ng virology institute, pinamamadali ng Kongreso

October 29, 2022 @ 12:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinamamadali na ng Kongreso ang ilang panukalang naglalayong magtatag ng isang virology institute sa bansa.

Ito ang sinabi ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) nitong Biyernes, Oktubre 28.

Ayon kay DOST-PCHRD Executive Director Jaime Montoya, malaki ang kanyang pag-asa na maisasabatas ang naturang panukala bago matapos ang taon makaraang ikunsidera ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ito ay prayoridad niya.

“We’ve been meeting almost everyday for the last week with the committees involved in the House and it’s going to be passed in an expedited manner. We don’t foresee any problems,” ani Montoya sa panayam ng CNN Philippines.

Sa kasalukuyan ay mayroong 31 House bills at siyam na Senate bills ang nakahain sa 19th Congress para sa pagbuo ng virology institute.

Kaugnay nito, kumausap na rin umano ang DOST-PCHRD ng nasa pitong siyentipiko sa halaman, hayop at tao na nakatuon sa virology studies upang umagapay sa itatayong ahensya.

“It’s about time that we get involved in the study of viruses, in particular, development of vaccines, that will help us respond to these emergencies,” pahayag ni Montoya.

Matatandaan na nitong Agosto ay sinabi ni Marcos na nakikipag-ugnayan na siya sa Kongreso sa pagpasa ng panukala upang buuin ang Virology Institute of the Philippines at ang Centers for Disease Control and Prevention. RNT/JGC