Pagtatayo ng Bulacan Airport, tuloy; veto pang-repaso sa proseso – Malakanyang

Pagtatayo ng Bulacan Airport, tuloy; veto pang-repaso sa proseso – Malakanyang

July 4, 2022 @ 7:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi apektado ng pag-veto o pag-ayaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maitayo ang Bulacan airport special economic zone at freeport sa pagtatayo ng 2,500-hectare international airport sa Bulakan, Bulacan.

Ang paliwanag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang pagtatayo ng New Manila International Airport (NMIA), mas kilala bilang Bulacan International Airport, ay matutuloy dahil pinagkalooban na ng Kongreso ang San Miguel Corporation (SMC) ng prangkisa para sa konstruksyon.

“The construction of the Bulacan international airport and aero city is not affected by the veto. The presidential veto was meant to include the necessary corrections and include the missing processes that might render HB (House Bill) 7575 entirely unconstitutional,” ayon kay Angeles.

Ani Angeles, suportado ni Pangulong Marcos ang paglikha ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Authority (BACSEZFA) subalit ang desisyon niyang i-veto ang HB 7575 ay naglalayon na “cure the defects found in the measure”.

Sa kanyang two-page veto message na may petsang HUlyo 1 at ipinalabas ng sumunod na araw, sinabi ni Marcos na ang batas ay “lacks coherence with existing laws, rules, and regulations”, giit nito na walang probisyon para sa pag- audit ng Commission on Audit (COA), procedures para sa expropriation ng mga lupain na in-award sa agrarian reform beneficiaries, at master plan para sa specific boundaries ng economic zone.

“Presidential veto is the fastest way to cure the defects of HB 7575, especially the provision which exempts the Commission on Audit to look into the financial transactions on the special economic zone and freeport. Had the President not vetoed the HB 7575, it would have lapsed into law on July 4 or 30 days after the bill was sent by the legislature to Malacañang,” ayon kay Angeles.

Aniya, ang lahat ng financial transactions sa pamahalaan ay audited ng COA at ang panukalang BACSEZFA ay dapat na “no exception.”

“Without those necessary amendments indicated in the veto explanation, the law may be vulnerable to constitutional challenge. The delegation of rule-making power on environmental laws which is unique to the special economic zone is of particular concern,” dagdag na pahayag nito.

Sa ulat, tinatayang nasa $15 bilyon ang inilagak na puhunan ng San Miguel Corporation para sa pagpapatayo sa 2,500 na airport.

Nakasaad sa liham ni Pangulong Marcos sa Kongreso kahapon, Hulyo 1, na pasisikipin nito ang tax base ng bansa.

Bukod pa sa magdudulot lamang kasi ito ng fiscal risk at may conflict sa ibang sangay ng ahensya ng pamahalaan.

Samantala, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa National Economic and Development Authority at Regional Development Council na pag-aralang mabuti ang panukalang batas.

Tinatayang nasa 100 milyong pasahero ang masi-serbisyuhan ng Bulacan airport kapag naging operational na.

Buwan ng Mayo nang pinal nang pinagtibay ng Senado sa third at final reading ang panukalang magtayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone at Freeport Authority (BACSEZFA). Kris Jose