PAGTATAYO NG BULACAN ECOZONE TINUTULAN

PAGTATAYO NG BULACAN ECOZONE TINUTULAN

July 5, 2022 @ 10:53 AM 1 month ago


KAUUPO pa lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at isa sa mga unang aksyon niya ang pag-veto sa pagtatayo ng isang Special Economic Zone sa lalawigan ng Bulacan.

Bagama’t hindi gaanong malinaw kung bakit inayawan ni Pa-ngu-long BBM, malamang sa ma-lamang ay may malalim itong dahilan na kung saan ay siya lang ang nakaaalam.

Alam ni Pangulong Marcos ang kanyang gagawin kaya walang sinomang mga kapanalig nito ang makapagdidikta sa kanya kaya kailangan ay hayaan na lang na gawin niya ang kanyang tung-kulin bilang Pangulo ng Pilipinas.

Hindi man niya makaya ito nang siya lamang mag-isa, pero siguro, kakailangan niya ng supor-ta natin para magampanan ni-yang mabuti ang mga bagay na maka-pagpapaunlad sa bansa.

Ipinaliwanag pa ni President Marcos sa sulat na ipinadala nito sa tanggapan ng Senate Presi-dent na hindi niya susuportahan ang enrolled bill dahil magdadala ito ng malaking panganib sa pa-nanalapi ng bansa.

Ang isa sa mga nakitang butas ni BBM sa enrolled bill ay ang kawalan ng audit provision para sa Commission on Audit na kung saan ay pinuna rin niya ang pro-seso para sa pagbabayad sa mga lupang masasakop ng Economic Zone na naibigay na sa mga

Bukod pa roon ay wala rin daw master plan sa economic zone na ang balak na itayong eco-nomic zone rin ay masyadong malapit sa Clark Special Econo-mic Zones na labag sa polisiya ng gobyerno sa pagtatayo ng mga special economic zones sa mga strategic location.

Dagdag pa ng Presidente na dapat magkaroon muna ng malalimang  pag-aaral ang National Economic and Development  Authority ukol sa paukala na ibalik na sa Kongreso.

BOOKIES KING NG PANDACAN, PROTEKTADO NG MPD

Patuloy ang operasyon ng bookies ng karera nitong isang alyas Pacia sa Pandacan na kung saan ang operasyon nito ay mula sa Manila Police Station 10,6,1,4 at PS 7 na kung saan ay hindi hinuhuli ng mga station commander ni MPD PBGen.Leo Francisco. Bakitttt….

E may weekly tong collection si hepe at DD…

Totoo ba ito ah Gen. Francisco???

Anoman puna o reklamo i-text sa 0918924764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]