PAGTATAYO NG EVACUATION CENTERS SA LAHAT NG LGUs, LUSOT NA SA KAMARA

PAGTATAYO NG EVACUATION CENTERS SA LAHAT NG LGUs, LUSOT NA SA KAMARA

March 6, 2023 @ 12:17 AM 4 weeks ago


APRUBADO na sa ikalawang pagbasa sa House     of Representatives ang House Bill No. 7354 na nag-aatas sa pagkakaroon ng permanenteng eva-   cuation center sa bawat lungsod at munisipyo sa buong bansa kaugnay sa anumang banta ng kalamidad o mga trahedya.

Ikinatuwa ni Speaker Martin Romualdez ang pag-apruba sa panukala na siya mismo ang pangunahing may akda, maiiwasan na umano ang pagkaantala ng mga klase sa mga paaralan na siyang nagsisilbing “default evacuation site” kahit pa may kakulangan din ito sa pasilidad.

Nakasaad sa batas ang mga sumusunod –

Ang NDRRMC o ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pakikipag-ugnayan sa mga provincial, city at municipal DRRMOs ang siyang pipili ng lokasyong paglalagyan ng evacuation center;

Ang DPWH o ang Department of Public Works and  Highways ang siyang magtatayo ng mga sentro at maging ng paggawa ng plano;

Ang mga LGUs o local government units naman ang siyang bahala sa operasyon, superbisyon at pamamahala; at

Kung mayroon nang nakatayong evacuation center, dapat itong naaayon sa kwalipikasyon o kailangang sumailalim sa “upgrading”.

Maaari gamitin sa ibang mahalagang gawain ang evacuation center batay sa pagtatakda ng LGU pero prioridad ang may kaugnayan sa kalamidad o trahedya.

Sa datus ng OCD o Office of Civilian Defense, sa mga ginagamit na evacuation centers, nasa 63.45% ay mga paaralan habang nasa 2.86% lamang ang dedicated evacuation centers.

Nagsisilbi ring kanlungan ang mga Barangay Hall, day care center, covered court, gymnasium, health center,     at multi-purpose building.

DUGO NA REGALO MO, BUHAY PARA SA KAPWA MO

NAG-AANYAYA ang Archdiocese of Manila sa lahat  ng mga interesado para sa isang bloodletting activity na gagawin sa March 30, 2023, araw ng Huwebes, sa Arzobispado de Manila sa Intramuros, Manila, malapit lamang sa Manila Cathedral, mula alas-otso ng umaga hanggang alas-tres ng ha-pon.

Tinawag itong “Dugo na Regalo mo, Buhay para sa Kapwa mo” kaugnay sa 71st birthday ni Archbishop Jose Cardinal Advincula sa nasabing araw. Makakasama dito ang Philippine National Red Cross.

Sa mga katanungan,       maaaring tumawag sa 8527.3956 at hanapin si Joel Madronio.