Pagtatayo ng hiwalay na pasilidad para sa ‘heinous criminals’ naisabatas na

Pagtatayo ng hiwalay na pasilidad para sa ‘heinous criminals’ naisabatas na

August 3, 2022 @ 8:52 AM 1 week ago


MANILA, Philippines-  Nag-lapse into law ang panukala na naglalayon na magtayo ng hiwalay na pasilidad para sa “heinous criminals”.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Martes, nag-lapse into law ang Senate Bill No. 1055 at House Bill No. 10355 o ang panukalang Separate Facility for Heinous Crimes Inmates Act.

Na-transmit ito sa Palasyo noong Hunyo 29, 2022, batay sa listahan na inilabas ni Zubiri.

Itatayo ang hiwalay na pasilidad sa lokasyon na tinukoy ng Secretary of Justice, na malayo mula sa general population at iba pang persons deprived of liberty, na posibleng nasa loob ng military establishment o sa isang isla malayo sa mainland.

Itatalaga ang pasilidad sa isang “secured and isolated place” upang tiyakin na walang unwarranted contact o komunikasyon sa labas ng institusyon.

Dapat magkaroon kahit isang high-level facility built sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang mga pasilidad na ito kinakailangang maging state-of-the-art na lalagyan ng surveillance cameras at ng pinakabagong information technology security systems na kayang imonitor ang PDLs nang buong araw, at ng may “enhanced and extensive” security features sa locks, dmga pinto, at perimeter. RNT/SA