Pagtatayo ng NKTI, heart center sa mga rehiyon itinutulak sa Kamara

Pagtatayo ng NKTI, heart center sa mga rehiyon itinutulak sa Kamara

August 30, 2022 @ 5:52 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Isinulong ni ANAKALUSUGAN Party-list Rep. Ray Florence Reyes na matayuan din ng mga sangay ng mga pangunahing pagamutan sa Maynila ang iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Ito ay upang magkaroon din aniya ng access ang mga nasa malalayong lugar at magamot sa mga ospital gaya ng Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Lung Center of the Philippines at iba pa na siyang nakapaloob sa House Bill 3134 na tinawag na “Regional Specialty Hospitals Act.”

“While we can no longer remain reactive, our regional health systems must continue to ably respond to specific organ diseases and continuing health challenges in the rural areas,” ayon kay Reyes.

Kumpiyansa ang mambabatas na mas maraming buhay ang maisasalba kapag nagkaroon ng desentralisasyon sa mga malalaking ospital na nabanggit lalo na sakit na pangunahing dahilan ng pagkamatay ng maraming Pilipino.

“International and local data has shown that many Filipinos die from noncommunicable diseases that could have been addressed and eliminated in their early stages. Death could have been prevented only if there was presence of specialty hospital in areas other than in Metro Manila — where not many could afford to travel to and from.”

Layunin ng panukala na magkaroon ng mga specialty hospital sa Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas, Northern Mindanao, at Southern Mindanao.

“Other than functioning as an extended medical help for various noncommunicable diseases, these hospitals will also be engaged in research and information dissemination. It will also have tax exemptions and privileges like the current specialty institutions. According to the measure filed in the Lower House, the Department of Health (DOH), in consultation with the Medical Director or Chief of Hospital of existing specialty hospitals, will spearhead the operations and its establishment,” dagdag pa ng mambabatas.

Sa ngayon ayon kay Reyes ay nananatili na ang kahirapan ang laging hadlang upang ang isang Pilipino ay makapagpagamot o unahin ang kanilang kalusugan gaya aniya ng naiulat ng Acta Medica Philippina kung saan ang bawat sambahayan ay gumugugol lamang ng 2.7% o P6,500 sa bawat isang taon para sa health expenses.

“This bill will ensure that special medical services are brought and readily available to rural families, rather than them spending more of their savings to avail it only in Metro Manila,” dagdag pa ni Reyes. Meliza Maluntag