Pagtatayo ng resource centers sa IPs isinusulong ni Angara

Pagtatayo ng resource centers sa IPs isinusulong ni Angara

October 22, 2022 @ 4:01 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naghain ng panukala si Senador Sonny Angara na magbubuo ng mga resource centers para sa mga indigenous people (IP) upang mailapit ang mga serbisyo para sa kanila.

Sa ilalim ng Senate Bill 1167 o ang Resource Centers for Indigenous Peoples Act of 2022, layon nitong magtayo ng indigenous cultural communities o IP resource centers sa mga lugar na tutukuyin ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Bubuuin ito ng tatlong lugar o ang Statistical Service Area, Human Development Index Service Area, at ang Domains Management Service Area.

Ang Statistical Service Area ang magiging responsable sa dokumentasyon at pagkilala sa ICCs at IPs samantala ang Human Development Index Service Area ang tutugon sa mga problema at mga serbisyong dapat ibigay sa mga IPs samantala ang Domains Management Service Area ang aatasan na magpatupad ng mga programa, proyekto at aktibidad para sa kanila.

“We have over a hundred IP groups in the Philippines, comprising anywhere between 14 [and] 17 million ICCs. Much has been said to protect the rights and ensure the welfare of our IPs but the reality is [that] they continue to be among the most disadvantaged groups,” ani Angara nitong Sabado, Oktubre 22.

“What exacerbates the situation of our IPs is the absence of reliable public data on ICCs, and more often than not, this leads to situations where they are neglected in the delivery of basic, social, technical, and even legal services,” dagdag niya. RNT/JGC