Pagtatayo ng ‘Supermax’ jail inaasahan ngayong 2023 – Remulla

Pagtatayo ng ‘Supermax’ jail inaasahan ngayong 2023 – Remulla

January 17, 2023 @ 7:10 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Martes na umaasa siyang magsisimula ang konstruksyon ng “Supermax” correctional facility sa Sablayan, Occidental Mindoro, ngayong taon.

Kasya sa penitentiary ang halos 2,500 presong sangkot sa heinous crimes, ayon sa Department of Justice (DOJ) chief.

“We call it Supermax prison, Supermax for those convicted of heinous crimes,” ani Remulla tmatapos iprisenta ng Bureau of Correction (BuCor) ang preliminary design ng pasilidad.

Nang tanungin hinggil sa simula ng konstruksyon, sinabi ni Remulla: “It will happen in due time, hopefully this year.”

Sinabi ni Remulla na ang bayan ng Sablayan ay isangideal site para sa kulungan, dahil sa sukat at lokasyon nito.

Itinatag ang Sablayan Prison and Penal Colony (SPPC) noong September 27, 1954, alinsunod sa Proclamation No. 72, na may kabuaang land area na 16,190 ektarya. Kasalukuyang nakakulong dito ang minimum security inmates. Ito ang pinakamalapit na penal colony sa New Bilibid Prison, na nasa Muntinlupa City, at pinamamahalaan ng BuCor.

Ayon kay BuCor officer-in-charge Gregorio Pio Catapang Jr.: “Ngayon, fina-fine tune ‘yung version 1 pa lang, and hopefully, baka next week may version 2 na just to fine-tune the plan and they are asking about 6B to jumpstart the heinous crime facility.”

Nakapailalim ang pagtatayo ng Supermax jail sa Separate Facility for Heinous Crimes Act na nag-lapse into law noong 2022. RNT/SA