Pagtawag ni PBBM sa Omicron na parang trangkaso lang, suportado ng datos-DOH

Pagtawag ni PBBM sa Omicron na parang trangkaso lang, suportado ng datos-DOH

July 6, 2022 @ 3:42 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinegundahan ng Department of Health (DOH) ang kamakailangang pahayag ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ukol sa Omicron na inilarawan niyang “little contagious” lamang at “hindi gaanong tumama.”

Anang DOH na ang subvaiant ng COVID-19 na Omicron, bagama’t transmissible ay hindi nagreresulta sa mas malala at kritikal na mga kaso kumpara sa iba pang mga variant.

Nauna na ring inihambing ni Marcos Jr., ang Omicron ay nakapagdudulot lamang ng tulad ng pagkakaroon ng trangkaso.

Ayon sa DOH, sinusuportahan ng datos ang obserbasyon ng Pangulo: 3.09% lamang ng mga kaso ng Omicron (Disyembre 2021 – Pebrero 2022) sa Pilipinas ang may malubhang/kritikal na sakit.

Mas mababa ito sa kalahati ng mga naobserbahang malubha/kritikal na kaso para sa variant ng Delta sa 8.72% (Agosto hanggang Oktubre 2021), at variant ng Alpha sa 6.22% (Marso hanggang Mayo 2021).

Gayundin, 1.8% lang ng mga kaso ng Omicron ang naging fatality, kumpara sa 5.55% sa Alpha at 4.9% sa Delta.

“Our high vaccination coverage and very good compliance with health protocols have helped keep case numbers low and the case severity manageable,” sabi ng health department.

Gayunman, hindi umano dapat maging kampante ang publiko sa mga numerong ito.

“Our wall of immunity must be maintained by increasing the number of people aged 12 and up with a first booster or third dose. We must also increase primary series coverage for the very young (5 to 12yo) and seniors (60yo and up). Consistent compliance with health protocols will also protect those that cannot be vaccinated due to age (younger than five) or medical conditions, for whom cases may have higher severity,” dagdag pa ng DOH.  Jocelyn Tabangcura-Domenden