Pagtaya ng DOT sa tourist arrivals sa bansa sa 2022, nahigitan na

Pagtaya ng DOT sa tourist arrivals sa bansa sa 2022, nahigitan na

November 9, 2022 @ 1:22 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Masayang ibinahagi ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco sa kanyang pagbisita sa London, England na nahigitan na ng kasalukuyang datos ng tourist arrivals ang kanilang pagtaya para sa taong 2022.

Ani Frasco, sa pinakahuling impormasyon kasi ay umabot na sa 1.9 milyon ang tourist arrivals o dumating sa bansa ngayong taon.

Nahigitan nito ang kanilang 2022 projection na 1.7 milyong turista na bibisita hanggang sa katapusan ng taon.

“The Philippines recently made it to the Conde Nast’s 40 most beautiful countries in the world. Travel and Leisure Magazine also awarded the Philippines with three of the 25 best islands in the world, namely Boracay, Palawan and Cebu,” pagbabahagi ni Sec. Christina Garcia-Frasco.

Dagdag pa rito, ibinahagi pa niya ang plano ng DOT na gawing tourism powerhouse ng Asya ang Pilipinas at ilan sa kanilang mga gagawin ay ang pagpapabuti ng mga paliparan, kalsada at pantalan kasabay ng pagdaragdag ng mga international direct flights patungo sa bansa.

Maliban dito ay tututukan din ng DOT ang pagpapatayo ng mga bagong pasilidad at pagsiguro ng kaligtasan ng mga turista, internet connectivity at iba pa.

“As a mayor, my experience has been that the only way to translate theories on sustainability to actual implementation is to engage the grassroots community, to introduce the lifestyle and concept of sustainability into an economic, social and developmental framework,” aniya.

Nasa London si Frasco para sa World Travel Market na nagsimula nitong Lunes, November 7. RNT/JGC