Pagtigil sa lifestyle checks ng Ombudsman aprub sa DOJ 

Pagtigil sa lifestyle checks ng Ombudsman aprub sa DOJ 

September 23, 2020 @ 7:26 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines-Suportado ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang desisyon ni Ombudsman Samuel Martires na itigil ang isinasagawang lifestyle checks laban sa mga opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ni Guevarra na ang lifestyle check bilang isang hakbangin ay hindi patunay na ang isang tao ay sangkot sa iligal na gawain para magpayaman.

Dapat umanong ikonekta ang lifestyle check sa mas malalim na proseso ng imbestigasyon sa anomang korapsyon o iba pang krimen ng isang tao.

Binigyang-diin ni Guevarra na kahit gaano man kayaman ang isang opisyal o empleyado ng gobyerno, hinihikayat pa rin silang mamuhay nang simple at kagalang-galang bilang public servants.

Sa budget deliberations sa Kamara noong Martes, ibinunyag ni Martires na itinigil na nito ang pagsasagawa ng lifestyle checks sa mga public official dahil sa malabong probisyon ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Maliban dito, nag-isyu si Martires ng memorandum noong Setyembre 1, 2020 na nagbabawal sa pag-access sa  statements of assets, liabilities, and net worth ng public officials. RNT 


  •  
  •  
  •  

Loading...