Pagtugis sa Cagayan VM sa kasong pagpatay, ‘political motivated’

Pagtugis sa Cagayan VM sa kasong pagpatay, ‘political motivated’

February 25, 2022 @ 1:10 PM 4 months ago


CAGAYAN- Ito ang tahasang pahayag ni Rizal Cagayan Vice Mayor Atty. Joel Ruma na harassment at politically motivated ang pagbuhay sa kasong murder na iniiugnay sa kanya at lima pa umano na kasabwat na akusado.

Ayon kay Ruma, gusto umano siyang pilayin para hindi makapagkampanya ngayon eleksiyon.

Ang lima pang kapwa akusado ni Ruma sa nasabing kaso ay sina Simeon Baloran, dalden Guiyawan, Jose Batang, Jessie Labang at Jocel Sacayle
Kung saan ay tumatakbong muli bilang Mayoralty Candidate si Ruma sa bayan ng Rizal.

Kwestyonable para sa opisyal ang biglang pagbuhay sa kaso at timing ng pagpapalabas ng warrant of arrest habang nalalapit ang pagsisimula ng campaign period para sa mga local candidates sa March 25.

Sinabi ni Ruma na sa tanggapan pa lamang ng piskalya sa Tuguegarao nadismiss na ang kaso kung saan nadawit ang kanyang pangalan.

Sinabi ni Ruma na may mga legal remedies na ginagawa na ang kanyang mga abogado. Rey Velasco