Pagtugon ng LGUs sa teenage pregnancy, palalakasin sa Senado

Pagtugon ng LGUs sa teenage pregnancy, palalakasin sa Senado

March 9, 2023 @ 2:34 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day 2023, inihain ni Senador Risa Hontiveros ang dalawang panukalang batas na magpapalakas sa suporta ng local government units (LGUs) sa teenage pregnancy, hindi lamang maiwasan nito kundi tugunan ang pangangailangan ng batang buntis, at pagtugon sa kanila sa panahon ng kalamidad.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na kanyang inisponsor sa Senado ang panukalang Prevention of Adolescent Pregnancy Bill at ang Gender Responsive and Inclusive Emergency Management Bill, bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Women’s Day (IWD) ngayong taon.

“This IWD, we both acknowledge how far women have come and far we have yet to go. I am able to champion these bills today because of the women who have cleared the way so we can enjoy the opportunities we do. Ngayon, responsibilidad natin na ipaglaban pa ang mga pangkaraniwang karapatan na dapat matagal nang naibigay sa ating kababaihan,” ani Hontiveros.

Sa kanyang sponsorship speech ng Prevention of Adolescent Pregnancy Bill nitong Miyerkules, muling idiniin ng senadora ang nakababahalang pagdami ng mga batang babae, edad 10-14, na nabubuntis.

Noong 2020, mayroong 2,113 na kaso ng pagbubuntis ng mga batang nasa edad na ito at tumaas pa ang bilang nito sa 2,299 noong 2021.

“The bill seeks to address the issue of adolescent pregnancy through various methods, such as the faithful implementation of comprehensive sexuality education, as well as the delivery of necessary sexual and reproductive information and services to young Filipinos when they need it, when they ask for it, and when they seek it,” ani Hontiveros.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga batang magulang ay maaaring tumanggap ng mga serbisyo mula sa LGU, tulad ng maternal health care services, post-natal family planning, parenting workshops, at psycho-social support, at iba pa.

Dagdag pa rito, ang panukalang batas ay naglalayong palakasin ang mga referral pathway sa kaso ng sekswal na karahasan sa kabataan sa pamamagitan ng mandated reportorial requirements kapag may naobserbahan at natukoy na senyales ng pang-aabuso.

Para tugunan ang gender-differentiated na pangangailangan ng kababaihan at babae, binigyang-diin din ni Hontiveros ang panawagan na ipasa ang Gender Responsive and Inclusive Emergency Management Bill, dahil mas mabigat ang epekto ng kahit anong emergency sa mga kababaihan.

“This bill arises at a critical time as we begin to see the end of Covid-19 policies in our country. Despite our country’s significant strides in closing the gender equality gap, the pandemic has brought to light the gendered issues that women and girls continue to face,” sinabi ni Hontiveros sa kanyang sponsorship speech.

Ang panukala ay naglalayon na bumuo ng mga programa at istruktura na magpapatibay ng suporta para sa kababaihan sa national emergencies o mga kalamidad. Kabilang dito ang pagiging bahagi ng kababaihan sa pagpaplano ng ating national strategies, pagpapalakas ng gender-based preparedness and response systems upang matiyak na ang mga gender-based violence services ay mananatiling naa-access, at ginagarantiyahan na mayroong mga produkto at serbisyo sa sexual at reproductive health, at iba pa.

“These bills are a recognition of the work that we still have to do to improve the lives of the most vulnerable women and girls. Maraming mga polisiya at sistema pa sa ating bansa na kailangang magbago para tunay na matulungan at maiangat ang ating kababaihan. Hindi matatapos ang ating laban para sa totoong pagkakapantay-pantay habang may babae pang naiiwan sa ating mga pagtatagumpay,” pagtatapos ni Hontiveros.

Samantala, inihayag naman ni Senador Cynthia Villar na dapat mas higit na mabibigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihan, tatapusin ang ‘gender bias’ at isusulong ang equality sa ating komunidad sa pagdiriwang ng National Women’s Month.

“If half of the population of the Philippines are women and can contribute to the betterment of the country, it will create a positive impact to our economy,” giit ni Villar.

Sa kanyang inspirational message sa 2023 National Women’s Month Celebration sa Department of Agriculture Compound, Quezon City, noong Lunes, tinukoy ni Villar na kailangang bigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihan upang makatulomg sa food security at production.

Kilalang advocate ng karapatan at kapakanan ng kababaihan, sinabi ni Villar na lalago ang ekonomiya kapag nagtrabaho at kumita ang mga kababaihan

Sa kanilang pagdiriwang, ang DA ay may temang- “We for gender equality and inclusive society” at sub-theme: “Expanded Opportunities for Women Participation, Leadership and Benefits in Science, Technology and Innovation (STI), ICT, Infrastructure and Energy”.

Ipinahayag ni Villar na idineklara sa ilalim ng RA No. 6949 ang March 8 na ‘special working holiday’ upang matiyak ang makabuluhang pagpagdiriwang nito sa lahat ng government offices.

Sinabi ng senador na hinihikayat ng lahat ng pinuno ng government offices ang kanilang mga nasasakupan na lumahok sa selebrasyon ng National Women’s Day sa kanilang opisina.

Nagtatakda rin ang government departments at agencies ng minimum 5% ng kanilang taunang total annual budget para sa gender programs, projects at activities.

“Women have a lot to contribute to development of our nation given the proper opportunities and trainings,” ani Villar na sinabing mapalad siya dahil naturuan siya ng kanyang Lola Lelang at ina na kumita ng pera, mag-ipon at matalinong na gastusin ang pera. Iginiit din nila ang kahalagahan ng edukasyon.

Dahil sa inspirasyong ito at sa pagnanais na rin na makatulong, itinatag nila ang Villar SIPAG foundation.

“Our aim was to improve the quality of life of the people through entrepreneurship and livelihood, health and social services, culture and arts, education and urban greening, among others,” sabi ni Villar.

“Our first project was the weaving of waterlily stalks into baskets. Other projects include establishment of 86 composting facilities in Las Pinas and in 50 Vista land communities nationwide for the processing of kitchen and garden waste, and three plastic recycling factory in Luzon, Visayas and Mindanao, and the coconut husk processing factory.” Ernie Reyes