Pagtugon sa kahirapan, makapagpapababa sa TB cases sa Pinas – eksperto

Pagtugon sa kahirapan, makapagpapababa sa TB cases sa Pinas – eksperto

December 8, 2022 @ 6:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isa ang pagtugon sa kahirapan sa mga susi sa pagpigil ng kaso ng tuberculosis sa Pilipinas, ayon sa health expert nitong Huwebes matapos utusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Health na gawing prayoridad ang kampanya laban sa iba pang infectious diseases bukod sa COVID-19.

Sa televised public briefing, sinabi ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na napakahalaga ng mensahe ni Marcos dahil nananatili ang Pilipinas na “vulnerable” sa iba pang mga sakit gaya ng tuberculosis.

Inihayag niya na kabilang pa rin ang Pilipinas sa top 10 bansa na may ambag sa 80% ng tuberculosis cases sa buong mundo. Kabilang din ito sa top five bansa na may kaso ng multi-drug resistant tuberculosis.

“Alam natin na ang tuberculosis ay matagal na sa Pilipinas at hanggang ngayon, although marami na tayong mga programa sa tuberculosis on the government side especially ‘yung directly observed treatment natin, accessible na ‘yung treatment support ng mga pasyenteng [may] TB but because of poverty, because of the very poor condition ng ating mga kababayan minsan mataas pa rin ang hawaan ng tuberculosis because, for me, I think it’s a disease of poverty,” pahayag ni Solante.

“So hangga’t hindi natin matugunan ang poverty, hindi natin matugunan ang mga  kailangan nating ipaliwanag sa mga pasyente, sa mga tao na kailangan muna nilang mag-isolate at tapusin ang treatment para hindi lalaganap ang pagtaas ng drug-resistant TB. Napakaimportante ng mga ganitong information para hindi tataas ang tuberculosis [cases],” patuloy niya.

Nitong linggo, inatasan ni Marcos ang DOH officials na iprayoridad ang kampanya laban sa human immunodeficiency virus at tuberculosis infections.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire kay Marcos thana ang DOH ay “more innovative” sa paglaban sa tuberculosis, at binanggit na maglulunsad ang ahensya ng  primary care program kabilang ang TB-DOTS.

ANiya, nanumbalik ang tuberculosis had reemerged dahil sa high transmissibility, at sinabing mas apektado ng sakit ang lower income brackets ng bansa. RNT/SA