Pagtukoy ng NICA sa Red-fronts org sa Senado, suportado ng Anti-Communist Task Force

Pagtukoy ng NICA sa Red-fronts org sa Senado, suportado ng Anti-Communist Task Force

April 7, 2021 @ 8:12 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Suportado ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang naging pahayag ni National Intelligence Coordinating Agency Director-General Alex Paul Monteagudo na ang unyon ng Senate employees ay front umano ng communist group.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Undersecretary Lorraine Marie Badoy na kumbinsido ang NTF-ELCAC na ang Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Orgnisasyon (SENADO) ay kontrolado ng labor group na Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE).

Ang COURAGE ay binansagan bilang front organization ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

“The NTF ELCAC stands solidly behind the Director General of the National Intelligence Coordinating Agency Alex Paul Monteagudo when he says that COURAGE is a front of the CPP-NPA-NDF and that it functions as the ears and eyes of this terrorist group,” ayon kay Badoy, tagapagsalita ng NTF-ELCAC.

Sa isang Facebook post, Lunes, sinabi ni Monteagudo na ang SENADO di umano ay minamanmanan ng COURAGE at nagsisilbi bilang “eyes and ears of the CPP-NPA-NDF to hijack government plans and programs.”

Sinang-ayunan naman ni Badoy si Monteagudo nang sabihin nito na ang pangunahing layunin ng COURAGE ay “to infiltrate and weaken the government by radicalizing and then recruiting its innocent members who have no idea they are being used.”

Itinatwa naman ng SENADO ang napaulat na pagkaka-ugnay nito sa CPP-NPA-NDF at itinuring din nito na ang Facebook post ni Monteagudo ay isang “malicious, baseless, and dangerous.”

Hinikayat naman nito ang mga senador na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa alegasyong ibinato laban sa unyon at maging sa iba pang organisasyon sa pamahalaan.

Ani Badoy, ang CPP-NPA-NDF front organizations, matapos na gamitin ng komunistang grupo ay ,“will have nothing to show for it but the grief and destruction they have brought upon themselves and our country.”

“We, therefore, welcome with open arms the call of S.E.N.A.D.O. president and CPP-NPA-NDF operative Rosel Eugenio for a Senate investigation into this matter,” ayon kay Badoy.

Sinabi pa ni Badoy na may ilang senador ang patuloy na ginagamit ang katagang “red-tagging” na inimbento ng CPP-NPA-NDF.

Tinukoy nito ang nakaraang ruling na ginawa ng Korte Suprema at ng Court of Appeals, sinabi ni Badoy na “there is no such thing as red-tagging” dahil “there is no danger to life, liberty, and security when someone is identified as member of the CPP-NPA-NDF.”

Ang pahayag na ito ni Badoy ay reaksyon matapos na magkaisa sina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senators Risa Hontiveros, Leila de Lima, at Francis Pangilinan na mablisang ipasa ang Senate Bill 2121 o panukalang Act Defining and Penalizing Red-Tagging to “punish irresponsible officials who act as enablers of red-tagging.”

Sinabi pa ni Badoy na ang panukalang batas ay gagamitn lamang para ipagpatuloy ang “unending 52-year saga of grief and suffering of the Filipino people in the hands of the CPP-NPA-NDF who were able to commit unspeakable crimes against us precisely because of the preponderance of legal covers they employed- like COURAGE.”

“Some of the most grievous crimes on the most helpless among us – our children, our indigenous peoples- happened because the masks of thick deceit the CPP-NPA-NDF wore. Masks of ‘human rights defenders’ by the most egregious offenders of it, masks of ‘youth advocates’ while stepping over the thousands of dead bodies of our children who had been deceptively recruited into the CPP-NPA-NDF, masks of ‘defenders of workers’ rights’ while weakening the Constitution and Democracy they had sworn to be faithful to,” ang pahayag ni Badoy.

Ani Badoy, hindi hahayaan ng NTF-ELCAC ang communism thrive.

Target ng pamahalaan na tapusin na ang communism sa ilalim ng liderato at termino ni Pangulong Duterte.

Ang pangako ni Badoy ay kikilalanin niya ang 52-year communist scourge na nagresulta ng “untold pain and sufferings on our people- more so the most helpless among us: our children, our indigenous peoples and the poorest of the poor.”

“The Filipino people have suffered long enough. We are grateful that we finally have a President who will stop at nothing to end the abuse of the Filipino people” ang pahayag ni Badoy.

Ani Badoy, ang pagpapatigil sa insurgency ay kasalukuyang regalo ng pamahalaan sa mga mamamayan.

“We are one with him (Duterte) in giving this gift to the Filipino people when he steps down in office in 2022: a country in a much better shape than what was handed to us where the CPP-NPA-NDF will be no more. And the Peace that has eluded us will finally be ours and our children’s,” ayon kay Badoy.

Ang CPP-NPA ay nakalista bilang terror group ng Estados Unidos, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at ng Pilipinas. Kris Jose


  •  
  •  
  •