Pagtuon ng poverty reduction sa ilang rehiyon inihirit ng Kamara 

Pagtuon ng poverty reduction sa ilang rehiyon inihirit ng Kamara 

December 16, 2021 @ 1:22 PM 9 months ago


MANILA, Philippines- Nais ng Kamara na ituon ng gobyerno ang poverty reduction sa mga tukoy na rehiyon na may pinakamataas na incidence of poverty upang matulungan ang administrasyong Duterte sa layunin nito na mabawasan ang poverty incidence sa bansa hanggang 14 porsyento, o mas mababa pagsapit ng 2022.

Sa plenary session nitong Miyerkules, tinalakay ng Kamara ang House Resolution No. 2390, na naglalayon na bumuo ng isang integrated poverty framework upang iugnay ang poverty data sa bisa ng anti-poverty programs ng pamahalaan.

Inirerekomenda rin ng resolusyon ang implementasyon ng whole-of-government at maging whole-of-society approach upang tugunan ang kahirapan, upang maging isa ang mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor sa pagtugon sa kahirapan sa Pilipinas.

Binigyang-diin din ang community-based monitoring system (CBMS) na itinuturing na pinakamainam na paraan upang matukoy ang bilang ng nakararanas at tindi ng kahirapan sa city at municipal levels.

Tina-target ba simulan ang CBMS national data collection sa Hulyo 2022. RNT/SA